Biyernes, Enero 25, 2013

FRIENDSHIP


TF: Sugo sa Kadiliman
Chester Ian S. Pineda

                Mapalad ang mga taong nabibiyayaan ng tunay na kaibigan.
Masarap mamuhay kapag kasama mo ang espesyal sa iyong buhay. Pakiramdam mo bagang tila walang hanggan ang kasiyahang nadarama. Ngunit bakit ganoon, kung gaano kalaking pagpapahalaga ang ipinararamdam mo sa kanya ay ganoon na lamang  kasakit at kadali ang kanyang pag-iwan? Di ba ang tunay na kaibigan ay hindi nang- iiwan, laging nagdadamayan, at handa gawin ang lahat upang mapabuti ang pagsasamahan? Totoo bang masaya magkaroon ng true friend?
Bunso ako sa tatlong magkakapatid. Kung tutuusin wala na akong hihilingin sa buhay maliban sa ang magkaroon ng kaibigang kakalinga at handang makinig at umunawa sa panahon ng kalungkutan, pagkabigo, o kasiyahan. Yung tipong may magsasabing “Okay ka lang Chest?” at laging nandyan di dahil sa may kailangan lang. Siyang- siya ang ideal friend ko.
High School life is da Best ika nga nila. Da best nga ba talaga?? Sa aming paaralan ay natagpuan ko ang isang kaibigan. Siya si Lenz. Matalino, simple, responsible, di nang- iiwan, at palaging andyan sa panahon ng pangangailangan. Larawan siya ng aking sarili at sa kanya makikita ang mga kalidad na hinahanap ko sa isang kaibigan. Lagi kaming magkasama lalo pa’t noong nagkaroon ng paligsahan na kapwa kami’y kalahok. Mas lubusan ko siyang nakilala. Aking napagtanto na siya na nga ang magiging true friend ko. Lumalim ang aming pagsasama at siya’y aking naging kaibigan. Sa isang pangyayari lahat ay nagbago. Sa isang munting pagkakamali na sa kanya’y malaki kung kanyang ituring ay siyang sumira ng aming pagkakaibigan. Ni hindi lang man siya nagbigay ng second chance. Aking napagtanto na ako’y walang halaga sa kanya sapagkat ganoon na lamang kadali ang kanyang pagbitaw. Bagkus, mas lubusan ko pang hinanap ang sagot at inalam ang mali sa aking sarili kung bakit di madali para sa’kin  ang makahanap ng TF- true friend. Pagkatapos ng pangyayari ay di ko na inintindi sa halip ay binuksan ko na ang panibagong kabanata ng aking buhay. Lumaho man si Lenz, pumailanlang naman itong si TFMicoh. Sa hindi namalayan, may mga kaibigan rin pala akong matagal nang nakausli sa baul ‘di nga lang dagliang binuksan ngunit minsan andyan - Jan Lester, Adino Jephthah, Kevin Paul, Nyll Vincent, at Freedom .

I’ll Be There for You

If you’ve got secrets you want to tell,
we can talk all day long. If your dreams
get broken somehow, I’ll remind you that
you belong. If you need someplace to
hide, you can hold my hand for a while.
If your sky begins to fall, I’ll stay with
you ‘til you smile. Whenever you need
some place, there’s my room- you can
take it. If someone breaks your heart,
together, we’ll unbreak it. When you feel
sad or empty inside, I’ll show you you’re
not alone. If you get lost out there, I’ll
come and take you home. I’ll go with you
somewhere else, when you need to get
away. And when nothing seems to be
going right and you need a friend…..
I’ll stay… ;)

- Ashley Rice, A Friend in Your Heart Forever



Kinaumagahan, nagkaroon ako ng sakit. Isang malubhang sakit. Hindi ko sinabi sa aking kaklase at Lenz ang tungkol dito dahil wala naman silang concern sa’kin o ayaw ko lang silang maabala pa. Tinanong ko ang aking sarili: Bakit ganito ang aking kapalaran? Mula nang magkasakit ako ay wala na akong ibang sinasabi kundi Diyos. Natuto akong makipag- usap sa Diyos. Kung hindi dahil sa sakit, siguro ay hindi ko siya nakilala. Kapag nagdarasal ako sa kanya, pakiramdam ko’y wala akong sakit. Lahat ng problema ko ay sinasabi ko sa kanya. Dahil dito ay itinuturing ko siyang true friend ko. Binigyan niya ako ng sakit hindi sa kadahilanang ako’y gusto Niyang gantihan o parusahan, bagkus gusto Niyang makilala ko siya sa ganoong paraan. Tunay siyang sugo sa kapanahunan ng aking kadiliman. Bahagi sila ng buhay ko lalung- lalo na ang Maykapal. Ikaw, true friend mo din ba Siya?


Bukabularyo:
                                                                            Sugo - Torch

Biyernes, Nobyembre 23, 2012


‘Eagles’ crushes AVA, 4-2
By Chester Ian S. Pineda

          SURALLAH, SOUTH COTABATO (OCT. 29, 2012) -Libertad National High School (LINHS) football team “Eagles” overwhelmed Allah Valley Academy (AVA) soccerites, 4-2 on their thrilling encounter during Zone III Athletic Meet at LINHS.

          Their penetrating skills exposed at the first 5 minutes when LINHS attempted to hit the goal but AVA isn’t tranquil for they never allow rival to acquire goal.

          The second stanza emanated when “Eagles” smash goal as AVA defense broke down leaving AVA with no goal, 1-0.

          Another goal chronicled as LINHS “Eagles” free kicked 3 goals while AVA hit goal in free kick, that even the score 4-2.
          

Huwebes, Oktubre 25, 2012


GROUP MESSAGE!

CHESTER IAN S. PINEDA

“ Halos mag- iilang taon na ring tayong magkasama; nang dahil sa gm. Pagsasama’y sandaliang umiba.”

Dahil sa dumating ang ate galing trabaho, umaapaw ang saya’t galak sapagkat kaarawan kung ituring  ang kanyang pagdating. Isa akong simpleng tao na madaling maantig ang kalooban ninu man.
Isang gabi nakatanggap ako ng text message mula sa isang nanlulumong kaibigan, “ eveNing! :(”. “Drei ok ka lng?” reply ko sa kanyang mensahe. Ang gabing sana’y masaya ay biglang umiba nang mabuti kong kaibigan ay may problema.
Hindi ako mapakali nung gabing iyon. “ hmmf! Tanungin mo ang isa pa nating kaibigan! Akla q kaibgan q xa……… sublit paglingon ko………..”. “ Huh!?? Cnu?? C Adrian ba?”… Daglian kong itinext c Adrian upang alamin ang nagyari, “ Ad, anong nagyari kay Drei?”…. “ Basta pin ah..” “ Anon a nga ba ang nagyari sa dalawa?”- tanong ko sa’king isipan na pangamba ang namamayani nung gabing iyon.
Makalipas ang dalawang minute nakatanggap ako ng mensahe mula kay Adrian “ Bastos kasi sya!”.. “Ba’t mo naman nasabi, ano ba’ng nangyari?” ………………… “Humanda ka Adrian!! “ txt naman ni Drei.
“ Pin, anong nangyari kina Drei at Adrian mukang mag-aaway sa sobrang galit sa isa’t- isa?”- text sa’kin ni ‘Vrite na may CONCERN sa dalawa. Hindi naming lubos maisip kung bakit mag-aaway ang dal’wa dahilan upang itanong c Adrian kung ano’ng nagyari. “ Ad, PLEASE ano ba talaga ang totoong nangyari?”, mag-iilang beses kong naisend ang linyang ito na may kaakibat   na“ PLEASE!.. PLEASE!!.. PLEASE!!” sa bawat texto. “ Basta, siya na lang tanungin mo, humanda ka Drei ka!! Mababasag yang baba mong sinungaling!”. Kumabog ng husto ang pulso nang matanggap ang mensahe. “ Ad, hahayaan mo na lang ban a mawawaksi ang inyong pagkakaibigan?”…. Hindi xa sumagot..
Kinaumagahan, lingo ng umaga, presko kong natanggap ang mensaheng naglalaman ng “ Katatapos q lng mgsimba, sbalit ang gal8 q sa.u Adrian hindi nawawala.” Hindi q lubos inakala na masasabi nila ang mga katagang iyon sapagkat bunga sila ng relihiyosong pamilya.
Dumaan ang minuto at mas lalo pang lumalim ang iringan ng dal’wa. Nag gm. Cla ng mga mensahe hindi lng sa’kin nakarating kundi pati rin ang aming kaklase.
“ Mukhang mag-aaway bukas cna Adrian @ Drei!” gm txt nina Annie at Terry. “ Hoy… Alam nyo ba ang tunay na nangyari?” txt q kina Annie at Terry sapagkat ayaw magbitiw ng ni dahilan ang dalawa kong kaibigan. Noong ako’y gumising nung hapong iyon, napuno ng mensahe ang akin Inbox na halos 71 msgs. Naglalaman tungkol sa kanilang iringan.. “Wla na aqng magawa , pawang matalino naman ang dalwa.. bat kaya cla mag-aaway?”. Gabi na nun nang halos hindi aq makatulog sapagkat kinabukasan na ang pagtutuos. Mag- aaway raw cla sa paaralan.
Pinunu ko ng salita ang panalangin nung gabing iyon upang ipagdasal n asana hindi matutuloy ang inaasahang mangyayari.
Kinaumagahan, maaga akong pumunta sa eskwela.. naunang dumating c Adrian… “ Vrite! Din na c Adrian?, C Drei?”.. “aw, c Adrian andun sa gym nagkukumpuni ng gagamitin sa seminar mamaya!”…… “ Pin, mukang hindi maipinta ang mukha ni Adrian kanina!”- kagimbal2x na cnabi ni Gerilyn.
Pumunta aq sa gym sapagkat inatasan aqng kumuha ng floorwax panlinis sa silid. ‘Dun natagpuan q c Adrian at Terry na nagkukumpuni ng.. Hindi nga maipinta ang mga mukha ng dalawa lalung- lalo na nitong c Adrian. Akala mo baga’y handa nang makipagrambulan!.. Sa pagdaan q sa kanyang harapan, itinanong q xa kung totoo ba ang lahat.. “ Oo”..
Nang bumalik sa silid si adrian, biglang dumating si Drei… Grabeng tinginan ang sa kanila’y umaapaw.. sa paglilinis sa looban, muli kong itinanong si Adrian. “ Ad, totoo ba ang lahat?”, “ Oo” ang mahina’t limit nyang isinabi… Ang kamag- aral namain ay sobrang nangamba sa kanilang kagimbal na pagharap… “ Teka!!!.... Ano to?????” totoo ba ang lahat ng to” “ akala ko magkaaway  kayo?’ . Sabi ko kina Drei at Adrian habang sila’y nakaupo sa malawak na upuan kasaa cna Annie at Tery….. “ Ano to?, wala lang kayong magawa??, hindi nakakatuwa..”- sabi q… Parang wala lng sa DALAWA ngumiti- ngiti pa!!!!.... “ Bwisit!.. Peste!” salitang lumalabas sa bibig ng nakararami kong kaklase sa kagagawang katarantaduhan ng mga papansin kong kaibigan.
“ Galit ka ba pin?” sabi nung isa..tanong nya na mas lalo ko pang ikinagalit na kung pwede lng sana’y……………………………………………!. Pinunu ng dalawa ng ‘SORRY’  ang inbox naming kanilang kaklase. Dahil sa katarantaduhang kanilang nagawa, mahirap para sa iba na sila’y patawarin .
Kung ikaw kaya sa sitwasyon ng mga kaklase nina Adrian at Drei.. ano kayang mararamdaman MO?
Hindi ba’t parang gusto mong gumanti at ipalamon sa kanila ang katarantaduhang nakakagalit?
Sa tingin mo , ano kayang pumasok sa kukuti ng Mastermind nito? MAGPAYO KA NGA!
Pwede ka bang maglahad ng sincere na mensahe ukol dito? Paki type lng po sa comment box….
Nais ko lang na kanilang mabatid na kailan ma’y hindi naging nakakatuwa ang kanilang ginawa.. Binigyan nyo lamang cla ng kadahilanan upang kayo’y hindi na pagkakatiwalaan… Kaya maging mapanuri at alamin kung may katotohanan ba ang natatanggap na  mga GROUP MESSAGE…

Lunes, Agosto 6, 2012


Isang Pagbabago..
Chester Ian S. Pineda
  
         
Naranasan mo bang matukso na humantong sa pagkasira ng iyong buhay? Nang nadapa’t natauhan ay bumangon  para sa panibagong liwanag na naghihintay?..

          Bawat tao ay may kani-kaniyang kinasadlakang pangarap at mithiin sa buhay na ang tanging hangarin ay maibigay ang progresibo’t masaganang buhay para sa ating minamahal. Minsan, sa bawat hakbang tungo sa pagtupad nito, hindi natin namamalayan na naiimpluwensyahan tayo ng masamang dunong ng tukso na siyang wawasak ng ating pinuhunang pangarap.

        Sadyang walang perpektong tao. Naranasan kong lumutang sa kumunoy ng kamalian, pagsisisi at pagkabagot. Panahon kung saan maiisip mong sumuko at magpadala sa agos ng pagsubok. Kung nakararanas nga ang iba ng kawalan ng kalinga ng magulang at humantong sa pagkasira ng buhay, “ Ngayon pa ba ako susuko?”

        Sa buhay, lahat ng tao ay hindi nawawalan ng problema at pagsubok. Ang mga pagsubok na ito ang siyang susubok n gating kakayahan kung hangang saan ating pananalig sa Diyos. KAya sa bawat lagapak na ating nararanasan, dapat nating isaalang-alang na tumayo at matutung baguhin ang sarili mula sa pagkakamali para sa ISANG PAGBABAGO……

Lunes, Disyembre 26, 2011

P A S A S A L A M A T

   Buong puso kong pinasasalamatan a inihahandog ang aklat na ito ( Ang aklat ng Batang Makata) sa aking mga magulang, pamilya, kapatid, at lalung- lalo na sa inaalab kong Aunie Deding. Sa aking guro sa Filipino II - Gng. Ronilda Esprela, na hindi dahil sa kanya hindi maging posible ang alat na ito. Sa aking mga kaibigan-- PLDT, LBM, PeNaPoNu, ADA, at ay Freedom Philip. Kayo ang nagsisilbing lakas at inspirasyon ko upang makapagsulat ng tula at maisakatuparan ang aklat na ito. Sa aking guro, Gg. Jade T. Palomar na laging nasa likod namin at handang umalalay sa bawat kalungkutan, kagipitan na pinagdadaanan ng buhay. Lalung -lalo na kay Gg. Gilbert Barrera sa mga salita ng karunungan na kanyang ibinahagi sa'min  upang kami ay isang maging mabuting indibidwal ng bayan. Kay ate Helen salamat sa pagmamahal at encouragement.. Higit sa Panginoon na siyang nagsisilbing ilaw ko sa gabing madilim, sandigan at gabay na nagtuturo ng tamang daan tungo sa landas ng kabutihan.




                                                                    Chester Ian S. Pineda
                                                                             Author










H i n d i     p a      p o     to       t a p os!! ]