TF:
Sugo sa Kadiliman
Chester Ian S. Pineda
Mapalad ang mga
taong nabibiyayaan ng tunay na kaibigan.
Masarap mamuhay
kapag kasama mo ang espesyal sa iyong buhay. Pakiramdam mo bagang tila walang
hanggan ang kasiyahang nadarama. Ngunit bakit ganoon, kung gaano kalaking
pagpapahalaga ang ipinararamdam mo sa kanya ay ganoon na lamang kasakit at kadali ang kanyang pag-iwan? Di ba
ang tunay na kaibigan ay hindi nang- iiwan, laging nagdadamayan, at handa gawin
ang lahat upang mapabuti ang pagsasamahan? Totoo bang masaya magkaroon ng true
friend?
Bunso ako sa
tatlong magkakapatid. Kung tutuusin wala na akong hihilingin sa buhay maliban
sa ang magkaroon ng kaibigang kakalinga at handang makinig at umunawa sa
panahon ng kalungkutan, pagkabigo, o kasiyahan. Yung tipong may magsasabing “Okay
ka lang Chest?” at laging nandyan di dahil sa may kailangan lang. Siyang- siya
ang ideal friend ko.
High School life
is da Best ika nga nila. Da best nga ba talaga?? Sa aming paaralan ay natagpuan
ko ang isang kaibigan. Siya si Lenz. Matalino, simple, responsible, di nang-
iiwan, at palaging andyan sa panahon ng pangangailangan. Larawan siya ng aking
sarili at sa kanya makikita ang mga kalidad na hinahanap ko sa isang kaibigan.
Lagi kaming magkasama lalo pa’t noong nagkaroon ng paligsahan na kapwa kami’y
kalahok. Mas lubusan ko siyang nakilala. Aking napagtanto na siya na nga ang
magiging true friend ko. Lumalim ang aming pagsasama at siya’y aking naging
kaibigan. Sa isang pangyayari lahat ay nagbago. Sa isang munting pagkakamali na
sa kanya’y malaki kung kanyang ituring ay siyang sumira ng aming pagkakaibigan.
Ni hindi lang man siya nagbigay ng second chance. Aking napagtanto na ako’y
walang halaga sa kanya sapagkat ganoon na lamang kadali ang kanyang pagbitaw.
Bagkus, mas lubusan ko pang hinanap ang sagot at inalam ang mali sa aking
sarili kung bakit di madali para sa’kin
ang makahanap ng TF- true friend. Pagkatapos ng pangyayari ay di ko na
inintindi sa halip ay binuksan ko na ang panibagong kabanata ng aking buhay.
Lumaho man si Lenz, pumailanlang naman itong si TFMicoh. Sa hindi namalayan,
may mga kaibigan rin pala akong matagal nang nakausli sa baul ‘di nga lang
dagliang binuksan ngunit minsan andyan - Jan Lester, Adino Jephthah, Kevin
Paul, Nyll Vincent, at Freedom .
I’ll Be There for You
If you’ve got
secrets you want to tell,
we can talk all
day long. If your dreams
get broken
somehow, I’ll remind you that
you belong. If
you need someplace to
hide, you can
hold my hand for a while.
If your sky
begins to fall, I’ll stay with
you ‘til you
smile. Whenever you need
some place,
there’s my room- you can
take it. If
someone breaks your heart,
together, we’ll
unbreak it. When you feel
sad or empty
inside, I’ll show you you’re
not alone. If
you get lost out there, I’ll
come and take
you home. I’ll go with you
somewhere else,
when you need to get
away. And when
nothing seems to be
going right and
you need a friend…..
I’ll stay… ;)
- Ashley Rice, A Friend in Your Heart Forever
Kinaumagahan,
nagkaroon ako ng sakit. Isang malubhang sakit. Hindi ko sinabi sa aking kaklase
at Lenz ang tungkol dito dahil wala naman silang concern sa’kin o ayaw ko lang
silang maabala pa. Tinanong ko ang aking sarili: Bakit ganito ang aking
kapalaran? Mula nang magkasakit ako ay wala na akong ibang sinasabi kundi
Diyos. Natuto akong makipag- usap sa Diyos. Kung hindi dahil sa sakit, siguro
ay hindi ko siya nakilala. Kapag nagdarasal ako sa kanya, pakiramdam ko’y wala
akong sakit. Lahat ng problema ko ay sinasabi ko sa kanya. Dahil dito ay
itinuturing ko siyang true friend ko. Binigyan niya ako ng sakit hindi sa
kadahilanang ako’y gusto Niyang gantihan o parusahan, bagkus gusto Niyang
makilala ko siya sa ganoong paraan. Tunay siyang sugo sa kapanahunan ng aking
kadiliman. Bahagi sila ng buhay ko lalung- lalo na ang Maykapal. Ikaw, true
friend mo din ba Siya?
Bukabularyo:
Sugo - Torch
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento