Isang Pagbabago..
Chester Ian S. Pineda
Naranasan mo bang
matukso na humantong sa pagkasira ng iyong buhay? Nang nadapa’t natauhan ay
bumangon para sa panibagong liwanag na
naghihintay?..
Bawat tao ay may kani-kaniyang
kinasadlakang pangarap at mithiin sa buhay na ang tanging hangarin ay maibigay
ang progresibo’t masaganang buhay para sa ating minamahal. Minsan, sa bawat
hakbang tungo sa pagtupad nito, hindi natin namamalayan na naiimpluwensyahan
tayo ng masamang dunong ng tukso na siyang wawasak ng ating pinuhunang
pangarap.
Sadyang walang perpektong tao. Naranasan
kong lumutang sa kumunoy ng kamalian, pagsisisi at pagkabagot. Panahon kung
saan maiisip mong sumuko at magpadala sa agos ng pagsubok. Kung nakararanas nga
ang iba ng kawalan ng kalinga ng magulang at humantong sa pagkasira ng buhay, “
Ngayon pa ba ako susuko?”
Sa buhay, lahat ng tao ay hindi
nawawalan ng problema at pagsubok. Ang mga pagsubok na ito ang siyang susubok n
gating kakayahan kung hangang saan ating pananalig sa Diyos. KAya sa bawat
lagapak na ating nararanasan, dapat nating isaalang-alang na tumayo at matutung
baguhin ang sarili mula sa pagkakamali para sa ISANG PAGBABAGO……
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento